07 June 2009

Lipad Ng Pangarap



PAUNANG SALITA:


Ang inyong nasaksihan ay mga kakilala, kaibigan, kaibigan ng mga kaibigan, at mga blogerong nasa iba’t-ibang panig ng mundo. Sinadyang hindi tukuyin ang buong pangalan para na rin sa kanilang kapakanan. Ang bawat litrato ay may pahintulot ng may-ari. Binigyan din ang bawat isa ng link upang kanilang masaksihan ang video na ito.



Maraming salamat sa mga kaibigang nagbigay ng larawan.



Ang awiting inilapat ay pinamagatang LIPAD NG PANGARAP sa panulat ni ARIEL DE PANO. Ang tinig naman ni CHARICE PEMPENGCO ang inyong narinig. Ito ay kanyang aktuwal na inawit sa Little Big Star.

Charice Pempengco @Little Big Star video courtesy of youtube
LIPAD NG PANGARAP lyrics



Milyun-milyong Pilipino ang nasa ibang bansa. Nakikipagsapalaran doon kahit sa murang edad. Hindi alintana kung ano mang panganib ang nakaabang, ang importante ay ang kanilang mga mahal sa buhay. Ngunit, ano nga bang buhay mayroon sa abroad? Ano o sino ang isang OFW? Anong mayroon ang isang OFW at nakakayanan niya ang lahat? Bakit patuloy syang lumiLIPAD para sa kanyang PANGARAP?


Hindi biro ang mangibang bansa. Sa paglapat ng paa mo sa bansang pinili, magsisimula na ang pakikibaka mo. Sa paghahanap ng trabaho, ng bahay, sa pagpili ng pagkain, damit, at iba pa. Iniisip ng iba na madali ang buhay-abroad dahil nga naman kumikita ka ng mas malaki. Hindi nila naiisip kung anong buhay mayroon ang isang OFW. Ang Pinoy Expats/OFW ay ang mga taong nagsakripisyo at mas piniling mangibang-bansa para sa pamilya. Tinawag na BAYANI ng ating gobyerno dahil sa mga dolyares na ipinapadala sa bansa na malaki ang naitutulong upang iahon ang ating ekonomiya.

Pag-asa ng Bayan silang maituturing dahil hindi sila magiging pasanin o pabigat pa sa ating gobyerno. Alam naman natin ang sitwasyon ng ating ekonomiya, dahil sa gobyernong magulo pa sa alon ng dagat ang pagpapatakbo kung kaya’t nagiging kulang ang suporta sa mamamayang Pilipino, dahilan upang ang ilan ay mapilitang mangibang-bansa para mapunuan ang kukulangan sa buhay at nang ang mga pangarap ay mas madaling makamtan. Sa bawat padala nila, nagkakaron ito ng ambag sa pagtaas ng antas ng ekonomiya ng bansa.

Marahil nagtataka kayo kung anong lakas mayroon ang isang OFW. Anong kapangyarihan ang kanilang taglay dahil nga naman hindi biro ang lumaban sa lungkot at pangunglila sa pamilyang naiwan. Likas sa isang Pilipino ang pagiging maka- Diyos kaya unang-una sa lahat na panlaban ay ang dasal at pananalig sa Poong Maykapal, na nagbibigay at gumagabay sa pamilyang naiwan sa Pilipinas, gayun din ang hiling sa karagdagang tibay ng puso at isipan para sa pakikibaka sa banyagang lugar. Ang pamilya, na maituturing nilang bisig ng lakas upang ang kanilang pangarap ay makamtan. At hindi mawawala ang mga kaibigan na nandyan lagi sa tabi hindi lamang upang magpasaya sa oras ng mga kalungkutan kundi sila ring tagapagbigay payo sa mga problema. Ang lahat ng mga ito ang nagbibigay lakas, buhay at pag-asa sa isang OFW upang ipagpatuloy ang laban. Na kahit anong unos ang dumating na dala ng panahon, hinding-hindi bibitaw at patuloy na kakapit. Kahit ilang beses mang madapa o masugatan, babangon pa rin. Hindi susuko kahit gaano pa katindi ang lungkot at pangungulila sa pamilya. Taas-noong haharapin ang bawat hamon. Hanggang sa dumating ang panahon ng muling pagtapak sa bansang sinilangan. Maririnig ang salitang “mabuhay” at “maligayang pagdating” mula sa pamilya at kaanak na naiwan. Masisiil ng yakap na kay tagal nang ninais madama. Ang halik sa noo na may ilang taong hinintay. Ang mga ngiti at luhang natural na pumapatak mula sa mga maliligayang mata. Kaysarap namnamin ng pagkakataong ganoon kung paanong ituring na BAYANI ng sariling pamilya.

Bilang isang OFW, madami na akong nakitang mga kababayan natin na patuloy na nakikipagsapalaran hindi lamang dito sa Dubai kundi sa buong mundo. Tinatahak ang mabatong landas hanggang sa marating ang patag na daan…daan para sa maayos, matiwasay, tahimik at masayang buhay. Dahil kahit saan mang panig ng daigdig dalhin ang isang Pinoy, nakikilala tayo sa angking sipag, talino at tiyaga. Ipinapakita ang talentong mayroon at taas noong sinasabing: “Ipinagmamalaki kong ako ay Pilipino”.
_________________________________________________________
kung inyo pong nagustuhan ang entry na ito, click the link here to vote! ENTRY no. 8 (Wit's Expression, Dubai, UAE) po ang gawa kong ito.
Salamat.

23 comments:

Desert Aquaforce said...

Based! Una ako.... Hahahaha... Kagabi ko pa kasi to inaabangan...

Bravo...bravo...magnifico! Ang galing ng pagkagawa nito Jee!

Saka nako mag-comment uli. Mag base muna ako...hehehe

RJ said...

Maganda. o",)

Mr. Thoughtskoto said...

There is something in this post, the video na ginawa mo mismo, at galing mismo sa mga real na tao at OFW.

I admire people. I admire the OFW's. I admire your entry because its unique and yet its touching. Madrama kumbaga. hehe

Grab the nominee banner Manang Dyi, and goodluck sau, you're now included in the POLL WIDGET!

A-Z-E-L said...

Thank you for joining PEBA.

Lipad jee... lipad!!!

Grab the nominee banner.. habol sa poll...

nice video... :)

Goodluck!

Dhianz said...

wow.. love it... love 'ur post... and great pictures... nde ren madali ang maging OFW tulad nyoh.. pero true sa sinabi moh sa tulong ni God, kapamilya, kaibigan at mga mahal sa buhay eh nakakayanan ang mga pagsubok... and love the song too... so yeah... ingatz lagi kayong lahat dyan... sa lahat nang mga pilipino sa sulok nang mundo... kaya naman "i'm proud to be pinoy" true kahit san man mapunta ang pinoy eh nakilala dahil sa sipag at tiyaga nitoh... ingatz. Godbless! -di

EǝʞsuǝJ said...

Wahahah...

at dahil kamag-anak ako ni pong pagong...
namental telepathy na ni Jee ang idea ko! (joke)
this calls for my change of plans!
nyahahah...

galing manang :)
asteeg....

Manang Dyi said...

^kuya NJ
aba! nauna ka nga! tulog na kase si CM nung nipost ko to! hehehe... tsaka kuya alam ko na excited kang makita ito. lol

thanks kuya :)

^RJ
salamat sa pagdaan dito :)

^kuya kenji
meron tlga kuya na something dito. alam mo kung ano yun? kase anjan ka video! hehehe...

Manang Dyi said...

^azel
:)

na-grab ko na ung banner :)

^di
sis di! gusto mo ng kopya ng kanta? punta ka sa youtube. hehehe...

salamat :)

^jen
ai...hehehe...

salamat din :)

***boto niyo na ako ha! hehehe...

Bhing said...

nice...

tnx naksama ang picture ko...

gudluck jee!

Lord CM said...

Di ko yata nakita si AZEL?, si jentot? si George? si Mike? lolzz

Saka ako bakit ako wala jan ha?!!! bakit ako wala?!!! hehehe :D wala kasi akong naibigay na pix eh :)

an_indecent_mind said...

nice post manang dyi!!

Sardonyx said...

Ang ganda ng mga pictures ninyo, bakit wala rin ako dun? joke lang hehehe, nasan ka dun? good luck sa'yo at sa mga kalahok :-) sana manalo tayong lahat hahaha

bomzz said...

wow! galing...

hindi yung BIDYO kasi di ko nakita bawal dito huhuhu..

"Ipinapakita ang talentong mayroon at taas noong sinasabing: “Ipinagmamalaki kong ako ay Pilipino”.

nice nice.. Lola jee hehehe

balita ko nalamangan ko daw ang kapogian ni Pogi. hahahah Pis!! Pogi....

Hanap ako paraan pano ko to mapanuod....hehehe

The Pope said...

Napuyat ako sa kahihintay ng iyong panulat, kaya ngaun mapula ang aking mga mata habang binabasa ang iyong entry sa PEBA.

Wala akong mas mahagilap na mas angkop na pangungusap upang mailahad ang aking pagkagusto sa iyong panulat, ang tanging masasabi ko lang ay:

Ito ay isang MAKABULUHANG PANULAT para sa PEBA 2009.

Manang Dyi said...

^ate bhing
hehehe...salamat ate :)

^CM
e kase naman hinihingan kita nung isang gabi pa e sabi mo wala. yan tuloy walang sam milby jan na nakasama! lolz

^aim
salamat aim! :) boto mo ako ha :) hehehe...

Manang Dyi said...

^sardonyx
kala ko pa naman sasabihin mo ang ganda ko! lolzz wala ako dun. hindi pwedeng isali ko ang sarili ko jan kase...kase...kase wala lang! hehehe.

panalo na tayong lahat ngayon pa lang. ang makasali lang sa PEBA ay isang karangalan na.

:)

^kuya george
napuyat ka din? kase ako napuyat din kagabe e. hehehe... at inantay mo din ang entry na ito? pareho pala kayo ni kuya NJ. hehehe...

salamat kuya at nagustuhan mo ang entry ko. :)

life moto said...

well said and inspiring sa mga OFW sa buong mundo. sabi mo nga hindi naging pasanin ng ating bansa. kung meroon nga lng magandang sweldo sa atin bakit pa nating kailangan na umalis pa.

isladenebz said...

Un na rin ang magiging title mo sa PEBA, isang lumilipad na panalo!

Ako ay napawow! Habang tumatagal, lalong gumaganda ang mga entries.

Na-inspire pa tuloy ako lalo.

Congrats, Jee. Maganda ang konsepto, ang awit na ginamit, ang mga larawan (at nakita ko yata dun si Kenjie!) at siempre pa ang essay mo: malaman, may puso at makatotohanang paglalahad ng tunay na damdamin ng isang OFW.

poging (ilo)CANO said...

Lipad tayo manang dyi..lipad na mas mataas pa sa lipad ng etihad..

Pilipino Ako, OFW...nandito ako dahil sa pangarap ko at para sa pamilya..

@Bommz,
parekoy, sidyang tinanggal ng may akda ang aking larawan dahil alam niyang masasapawan lang ang yung kapogihan...lolz..hehe

Life Moto said...

Kaya natin nalalampasan ang mga pagsubo bilang isang OFW ay dahil sa may mga lakas atyong hinihugot. Lakas ng pagmamahal natin sa ating pamilya at lakas na nagmumula sa Panginoon.
Sa bawat paghihirap natin ay naroroon ang pag asa na mapabuti ang ating pamilya. Sa Dios tayo umaasa sa mga baga na naging posible sa di imposible.

Dex said...

nice blog........ worth to be a nominee for PEBA

cesar said...

nice blog and good luck...

superlolongpinoy said...

Ang galing Mam! Bilib ako sa inyong mga OFW. Dalawang kamay ang aking saludo. God Bless!